Mga Simpleng Bagay Lang

Hindi libo libo, kundi isa isa. Ito ang rebolusyon.

Introduksyon: THE BAKIT LIST

Ang tagal ko na ring hindi nakapagsulat dito sa bologong ito! Patawad po. Naging abala lang ako sa buhay. Pero bilang may konting oras at may bago akong naisip na direksyon para dito, AKO AY NAGBABALIK para sa mga SIMPLENG BAGAY na nagdudulot sa REBOLUSYON!

Palakpakan!!! Ang bagong serye tuwing Lunes: THE BAKIT LIST!

Bilang ito ay introduksyon lamang, hayaan nyo akong bigyan kayo ng teaser (ano ba Tagalog ng teaser?). Ito ang mga iba sa maraming tanong natin kung bakit…

-Bakit ang blackboard kulay green?

-Bakit ang manok kahit inom ng inom ng tubig eh hindi pa rin umiihi?

-Bakit maganda ako?  (Sagot: Hindi lahat ng sinasabi ng Nanay mo ay totoo; wag kang masyadong mapagpaniwala.)

-Bakit ako gwapo?  (Sagot: Yan ang kumpyansa! Pakisampal nga ng sarili mo para magising ka.)

Eh eto…

Bakit itim ang kulay ng uwak.  (Sagot: Kasi kung puti, malamang kalapati yon.)

Hoy, sabi ko, “I love you.” Bakit di ka sumasagot?  (Sagot: At kailan pa naging tanong ang “I love you” para kailangang sagutin?)

 

Kung ikaw ay natawa, tumawa ka. Wag pigilan. O, ayan na, itawa mo yan!

So, sa aking pagbabalik, sa palagay nyo maganda bang ipagpatuloy ang seryeng ito? Kung oo, ang unang handog ko ay BAKIT MAHIRAP MAGPALAKI NG MAGULANG?

Ikomento mo na kung sa tingin nyo magandang serye ito.

Advertisements

Bisaya Na Tagalog Na Bisaya Ni Juan

Mamaya na tayo sa mga seryosong usapan. Dito muna tayo sa magaan-gaan. Masulat nga ang mga mali-mali kong Tagalog na animo’y Bisaya ngunit anino nyay Tagalog.

Sitwasyon: PATAWID NG KALSADA SA MAKATI

Ako: “Tatabok ba tayo?”  <Mali!>

Ang Tama: “Tatawid ba tayo?”

Ano ang TATABOK? Bisaya lang naman ng TATAWID. Obvious diba? Kaya ok lang yun, naintindihan ng kasama ko.

 

Sitwasyon: PAIKOT HABANG NAGDA-DRIVE

Ako: “Tutuyok ba?” <Mali!>

Ang Tama: “Iikot ba?”

Alam nyo na ngayon anong bisaya ng iikot. Eh di at least may natutunan kayo.

 

Sitwasyon: PATULOG NA AT PAPATAYIN NA ILAW

Ako: “Papatayin ko na ang suga?” <Maling mali!>

Ang Tama: “Papatayin ko na ba ang ilaw?”

Kaso walang kutsilyo, mapatay nga!

 

Marami pang darating sa aking pakikipagsalimuha sa ating mga kababayang Tagalog. Syempre sa tulong ng aking PINAKAMAGANDANG TAGALOG, ang aking ASAWA… Sabi nga ng radyo, {annoying alien voice} “Kailangan pa bang i-memorize yan?”

O sya, pagpatuloy niyo ang inyong mga rebolusyon.

Prinsesa Ka, Hindi Si Bela!

(This entry has been posted 2012. So any illustration 
or stories that are now irrelevant is due to that fact.)

ANG SUSUNOD NA BABASAHIN AY RATED PG. Patnubay at Gabay ay kailangan.

Babae ka. Valentines na. Wala ka pang date. Natataranta ka.

Kung ikaw ay nasa ganyang posisyon, bagot, walang magawa, at naghahanap ng kaligayahan, tumawag lang sa 1800-0000… Teka! Kung ganyan lang sana kadali ang maghanap ng kaligayahan, ang dami nang pobre sa kakatawag sa call center ng kaligayahan na wala namang makikita kundi pantasya. Tsaka babae ka noh, alalahanin mo ito– ISA KANG PRINSESA!

May mga kababaihang madaling maloko. Dahil dyan, ambilis din nilang masaktan kasi ginagawa silang panandaliang kaligayahan ng kunsinumang lalaki. Ngunit, subalit, datapwat, alalahanin mong ikaw ay isang PRINSESA.

Ano nga ba ang benepisyo sa pagiging isang prinsesa?

*Ang prinsesa’y sinusuyo, nililigawan. Kaya mag-antay po kayo. Bayaan mo sila kung di nila masabi-sabi sayo. Isipin mong kung mahal ka talaga ng lalaki, maghahanap at maghahanap din yan ng paraan para masabi at maipakita sayo na ikaw na prinsesa ay mahal nya. Kung hindi man nya kayanin, ibig sabihin nyan ay niloloko ka ng isang palaka.

*Ang prinsesa’y may sariling paninindigan at karapatan. Bilang mag-asawa, ako ang namumuno sa aming pamilya ngunit hindi ibig sabihin na wala nang karapatan at paninindigan ang babae sa tahanan. Kung babae ka, panatiliin ang iyong mga paninidigang tugma naman sa mata ng Diyos. At kung babae ka, siguraduhing alam mo pa rin ang iyong karapatan! Ang aking nais iparating sa iyo, panatiliin ang iyong pagkababae. Wag isuko sa kung kani-kanino si Bataan. Kung naisuko mo man, pwede mo namang baguhin ang iyong paninidigan, may Batanes pa naman.

Iba kasi ang pinag-aantay ang lalaki. Ako, para nakong tigang na nag-antay na mahubaran makahoneymoon ko ang aking nobya noong nakaraang taon. May mga panahong wari ako si Superman na nakikita ang laman sa likod ng damit. Ngunit sa pamamagitan ng grasya ng Diyos, kinaya ng aking asawa na paantayin ako. Kinaya ko rin sa tulong ng Diyos. Unang karanasan namin pagkatapos ng kasal. Sa wakas, sabi ko! Sa wakas, sabi ko. Ayyyy sa wakas sabi ko!

Kung may paninidigan ka bago pa man dumating si Piolo ng buhay mo, kung may mga sarili kang mithiin bago pa man nagpadingdong sa puso mo si Coco, alalahanin mong ikaw ay prinsesa at dapat na wag mong wala-in kung anuman yan para sa kungsinuman. Prinsesa ka.

*Ang prinsesa’y binibigyan ng magandang buhay, di lamang pag-ibig. Kung akala mo’y si Bela ay mamumuhay ng maayos, pwes hindi! Kung totoo man, kawawa siya! Wala man lang alam na gawin si Edward para maghanap buhay kundi ang magnakaw ng dugo sa kung anumang hayop. Buti nalang hindi sya pinoy kundi si Bela ay sisipsip ng jologs na dugo galing sa mga daga na naubusan ng kakanin kaya pinagtiyatiyagaan ang basura sa Smokey mountain.

Sa totoo lang, hindi ka mapapakain ng pag-ibig. Maghanap ka ng lalaki na hindi lamang pag-ibig ang pinapangako sayo kundi pati bigas! Oo, bigas! Pero kung ikaw ay nakatira sa labas ng bansa ng ilang taon, pwes maghanap ka ng lalaking makakapagbigay sa yo di lang ng pag-ibig kundi pati bacon. Oo bacon! Hindi longganisa, soriso, tuyo… BACON!

Kung ikaw man ay kasalukuyang nililigawan ng manlolokong lalaki, sinasabi sayong nahuhulog sya sayo pero alam mong sinasabi din nya sa ibang babae, eto ang sabihin mo sa kanya…

Libangan mo ba ito, yung lagi kang nahuhulog?

Prinsesa, wala ka dun sa baba, nasa taas ka, nag-aantay sa iyong tadhana. At kung hindi ka man makaantay, libangin mo sarili mo. Natutuwa nga ako’t hindi nainip si Rapunzel sa kakaantay sa taas ng tore. Buti nalang hindi nya kinain buhok nya. Wag nyo yang gawin ah. Tsaka hindi naman ikaw may hawak sa buhay mo eh, ang Diyos. May nakahanda Sya para sayo. Andami ko ngang kaibigan na 40 na ang edad pero nakasal parin. Tigang na kung tigang! Pero dumating na man panahon nila.

Ganito lang yun, ang sarap umibig! Pero mas masarap kung alam mong ang iniibig mo’y magwawakas sayo. Kaya kung wala kang date ngayong Araw ng mga Puso, gayahin si Yeng Constantino–okay lang maging single sa Valentines.

Ito ang rebolusyon… Kababaihang maninidigan sa tamang lugar. Kababaihang alam kung ano ang kanilang kahalagahan.

Iba-iba Man ang Iboboto, Isang Bagay ang Parehas at Ito Yun…

Patapos na ang Round 3 ng #PiliPinasDebates2016 pero kahit sino pa ang iboto mo ngayong eleksyon, isang bagay ang parehas na nagbenefit tayong lahat. Ito ang pagkakaroon ng social media sa panahon natin ngayon.

Ano ba ang sinasabi ko? Panoorin nalang natin ang bidyung ito para lubos nating maintindihan.

TALES OF THE SEENZONED EXTRA: Jose Rizal NangSeenZone

image

Nakakatawa to! Mga meme para sa bagong bayaniserye Ilustrado na ipapalabas na bukas ng gabi.

Nang seenzoned din pala si Pepe aka Jose Rizal. Ay graaabeeh!

Eto dagdag:

image

image

Source: Ilustrado FB page

TALES OF THE SEENZONED No. 3: Seenzoned? O Friendzoned?

image

Si Daniel. Madasalin. Mabait. At gusto nang magka girlfriend. Eto ay kwento nya. Kagaya ka ba nya?

(Si Daniel, nagdadasal…)
“Dear God, eto na yung taon! ready na ako Lord o. Ganda ng grades ko, kasing ganda nya. Ang bango na ng ugali ko kasing bango nya. Pwede na ba LORD? Eto na ba yung sinasabi ni kuya sa LIFE Group namin na, FOR WHATEVER YOU ASK OF GOD BY FAITH HE WILL GRANT IT.

Lord, eto na nga yun! ramdam na ramdam ko na kasing lakas ng bagyong Mario! eto na LORD, this year, magiging girlfriend ko na sya!”

After a few weeks, ika apat ng Pebrero, naginbox ka sa FB.

“Hi Jane, si Daniel toh. Yung dati mo pang sineseenzone kasi sabi mo hindi mo pa time tumanggap. Pinagdasal kasi ko ito. And alam ko eto na yung time ni LORD. So pwede na ba?”
Sent 9:52pm, August 26

2 hours after, wala pang seen notification…
1am, wala pa rin.
The next day wala pa rin…

Loooooong wait… Para ka na ring na seenzone!

After 1 week.

Jane: “Hi Daniel. Sorry ha inabot ng 1 week yung reply ko…”
Sent 1:00pm, September 2

Daniel: “Uy Jane!”
Daniel: “Oks lang!!! Musta?”

Jane: “Ok naman ako… May sagot nako…”

Daniel: “Sagot sa saan?”

Sa isip ni Daniel…
“ETO NA!!! MAGIGING KAMI NA!!! HINDI AKO SEENZONED!!! PWEDE NA!!!”

Jane: “Daniel, gusto ko lang sanang sabihin sayo na… ready na akong tumanggap…”

Daniel: “Yes!!!”

Jane: “Ready na akong tumanggap ng bagong BESTFRIEND.”

BOOM NAPANIS SI DANIEL.
NA SEMI-SEENZONED! Best friendzoned ang tawag dyan.

Daniel: “Ah. O. OK. Nice yan. Sige!”

(MUSIC SA FM HABANG NAGCHACHAT SILA: “di mo alam dahil sayo, ako’y di makakain…)

Jane: “Yey… Uy alam mo ba shineshare ko mga secrets sa bestfriend ko. Share ko rin to sayo. Tinext ako ng crush ko kanina for the first time… hihihihi.”

Si Daniel nagtatype pero di pa sinend…
Daniel: “Teka. Crush mo nagtext kanina. Teka hindi ako nagtext sayo kanina at wala akong numbe…. number mo.”

Hindi na niya sinend hindi dahil ZERO BALANCE na ang sim niya kundi dahil ZERO BALANCE SYA SA PAG-IBIG.

TALES OF THE SEENZONED: Klasmeyt, Texmeyt

wpid-screenshot_2014-09-05-14-25-13_20141001222629608.jpg

Dati sa time namin pag may crush ka, ang goal is makuha yung cellphone number. Alam nyo dati pa, MAY SEENZONE NA?

Tetext ka!

Lalaking Estudyante: “Hi! Thank you sa number ah! Hiningi ko lang kasi baka maabsent ako, wala akong ibang kilala sa klase eh… MUSTA?”

Akala mo yun lang ah, may MUSTA pa talaga yan!

2 minutes. 5 minutes… 7 minutes 30 seconds ang lumipas. Boom Panes! Literal na panes! Walang nagreply.

SEENZONED!

 

The next day, seatmate mo uli siya… habang late ang teacher,

Lalaking Estudyante: “Nagtext pala ako sayo kahapon…”

Babaeng Klasmeyt Na Di Interesado:  “Ah talaga? Naku sorry ah di ko kasi mahanap phone ko kahit now wala ako dala…”

Tas ikaw nakatingin sa transparent nyang bag may nagbeblink…

 

Confeerm! Na SEENZONED ka nga!

TALES OF THE SEENZONED: Ang Sosyalera

image

Sosyalera: “Tulong, tulong! Kuyaaaa, Ateeeh, pahelp please, pahelp. My takong, my 5 1/2 inch heels, it’s nalusot… like na stuck sa cover ng cá-nal. The bars… and I can’t seem to get it labas. Please, pa help…”

Taong Matulungin Naman Sana: “Push mo yan te!”

SEENZONED!

Ikaw, na seenzone ka na ba?

Unang Halik ni Kathryn Bernardo

image

Hindi sila naghalikan kahit man lang sa huling araw ng serye! Nakakalungkot.

Iyan po ang pinaka reaksyon ng mga manonood nung nagtapos ang Got to Believe o G2B. Kung tutuusin, sa kwento ay nasa tamang edad na sila. Ngunit dahil sa tunay na buhay ay wala pa sa tamang edad si Kathryn ‘Chichay’ Bernardo, hindi naganap ang unang halik sa #G2Bbestendingever nung gabing iyon.

Tunay ngang nakakalungkot para sa mga manonood. Ngunit ang paninindigan na yon ni Kathryn ay isang simpleng bagay lang pero eto’y nagsimula ng rebolusyon.

Pupwede palang manatili ang kasikatan kahit hindi mo isuko ang iyong paninindigan.

Si Kathryn ay miyembro din ng simbahang Iglesia Ni Cristo na kung titingnan mo, sila’y mahigpit na nakabantay sa mga artistang nasa simbahan nila. At ang paghahalikan sa eksena ay bagay na dapat ipakiusap muna sa mga namamahala. Tamang tama sa sinabi sa Salita ng Diyos…

Walang sinumang dapat na humamak sa iyo dahil sa iyong kabataan subalit maging huwaran ka ng mga mananampalataya sa salita, sa pag-uugali, sa pag-ibig, sa espiritu, sa pananampalataya, sa kadalisayan. 1 Timoteo 4:12

Ang bagong henerasyon ay may bansag na PBBTeens kung saan ang pakikipag nobyo o nobya at pag astang mag asawa ay popular na konsepto kahit sa batang edad. Eto’y konsepto na parang pag-ibig lang ang punto ng buhay. Sana po tayong mga magulang at nakakatanda ay marapat na matulungan silang maintindihan na hindi lang po pag-iibigan ang buong punto ng buhay.

Ang simpleng bagay na pinanindigan ni Kathryn sa Got To Believe ay sana magsilbing ehemplo sa atin. At sana ay simula lamang to sa mga simpleng ipaglalaban ng sikat na batang aktres nato.

Ang pakikipaghalikan sa tamang panahon. Ito ang rebolusyon.

Mapuntong Tagalog at Paninidigan

image

Kamusta kayo mga masugid kong mambabasa (kung meron man)? Eto pong bologo na to ay para ianunsyo ang pagbabalik ng rebolusyon na magsisimula sa mga simpleng bagay.

Mahigit dalawang taon na po ako sa Manila at hetot marami naring bagong mga natutunan sa buhay. May dalawa na kaming anak na lalaki at tinuturuan po namin silang magsalita sa mga wikang Ingles at Filipino. Hayaan niyo po akong ibahagi sa inyo ang dalawang bagay kung bakit naisip kong magbalik dito.

1. Mapuntong Tagalog
Nung sinimulan ko ang blog na ito, ang Tagalog ko ang pinaka ehemplo ng imperpekto– sa salita at sa pagsulat. Minsan naisip ko nung tumigil ako sa pagsulat, “antayin ko nalang na gumaling ako sa Tagalog.”

Ngunit, subalit, datapwat, naisip ko na kahit tumagal man hindi parin mawawala ang puntong bisaya.

Sa trabaho ko po, tinawagan ako kung pwede ba daw akong gumanap na isang ordinaryong miyembro na may puntong Bisaya pero Tagalog kung magsalita. Para po ito sa isang bidyu na kailangan naming ipalabas sa Setyembre. Kasama ko daw po ang isang sikat na artista sa eksena. Hindi ko maipagkakaila, sumikat na po ang punto ko. Marami napo akong pagkakamali kagaya ng cuk na dapat sana’y Coke. Ok pa naman po ako sa Pepsi. Hindi ko pa naman po naipagpapalit ang ‘e’ sa ‘i’ o Pipse. Totoo man, inayawan ko po ang pagsali sa eksenang yun. Dahil kahit my punto ako, hindi ko po kaya ang umarte sa harap ng kamera.

Pero totoo po, may puntong Bisaya ako. At ipinagmamalaki ko yan. (Pilit na ipinagmamalaki). Simpleng bagay lang po yan pero ang pagmamalaki si iyong tinubuan ay magsisimula ng rebolusyon.

2. Paninindigan
Marapat lang po na ako’y bumalik sa pagsusulat dahil lahat tayo may ipinaglalabang paninindigan. Sa mga taong hindi ako nagsulat, marami na rin po akong napansin at nabasa dito. Mga bagay na maayos ang paninindigan at mga bagay na dudugo ang iyong puso dahil ganito na ang henerasyon ngayon.

Nasabi ko na rin po, ang pagbabalik ko sa pagsulat ay para sa ating henerasyon at susunod. Para ako’y makadulot ng konting, kapiranggot na aral para sa ating mga kaibigang estudyante.

Nawa’y maging makabuluhan ang inyong panahon dito sa blog na ito. Mga simpleng bagay na pag iyong inisip, pwedeng magdulot ng magandang rebolusyon.

Mga kaibigan, ito ang rebolusyon!

The Revolution The Nation Needs More Than Pacman

mp

(Paumanhin: Dahil may teknikal na problema pa ang aking http://www.jobrobinson.com, pansamantalang ipopost ko ang aking komento dito sa wikang banyaga.)

Every Filipino’s response to The Pacman’s loss shows that this is more than just a dialogue of boxing. This has become a dialogue of socio-religious issue that started from socio-political roots. That anyone who leaves a certain religion is cursed. That anyone who forgets about his religious roots is socially despised.

I represent Manny Pacquiao’s statement of faith but I’m not taking that route most, led by Aling Dionisia, are taking. Because more than anything, this should be a dialogue of how we Filipinos should support our own no matter what, no blaming, no could-have beens as we have always been. I’m not a boxing fan. Didn’t pray for him to win or otherwise. But really, to go back to the real issue is deemed important. Not taking it to the never-ending, non-diplomatic, peace-distorting, non God-glorifying religious debate.

Back in college, I was taught to argue with style thru parliamentary debate system. One of our unspoken rule is to not debate on religion as religion per se. We could only argue about religion on principles but not exactly the varying belief system. That made us really good friends with Roman Catholics, ‘Born Again’ Christians, and our Muslim brothers and sisters. Not to mention, even with the agnostics and atheists. There is wisdom in it. So much wisdom!

There’s a revolution that the nation has to undertake. A revolution of responses. A revolution among DJs who mock Manny Pacquiao right after his loss. A revolution among fans who keep saying he was leading the match to begin with. A revolution among every Pinoy who choose to make fun of someone who’s given pride to the nation and lost once, only once.

God bless the Philippines!

Passion is meaningless without…

Sabi nila, mas mabuti nang may ipinaglalabang isang bagay kaysa wala. Para sakin, pinaka mabuti ang ipinaglalaban ang Diyos kaysa kahit ano-anong bagay lang.

Nakakatuwa po na makabasa ng mga panulat ng kabataan ngayon lalo pag yung sinusulat nila ay hindi panay reklamo sa buhay nila, sa nobyo’t nobya nila, sa mga palabas sa TV o kahit ano anong wala masyadong kabuluhan.

Para sa mga sumusubaybay sa aking bologo, nawa’y basahin nyo po ang sinulat ng isa sa mga estudyanteng aking nabigyan ng panahon para patnubayan na sa proseso ay may naturo din sa akin.

Passion is meaningless without….

 

Ito ang rebolusyon, ang pagsulat ng mga may kabuluhang bagay.