Ito Ang Rebolusyon

by jobrobinson

Sa totoo lang, hindi ako magaling mag Tagalog. Bisaya po ako. Ngunit, subalit, datapwat, tayo ay Pilipino, kaya sisimulan ko ang rebolusyon sa kahit maliit na bagay… Ang pag gamit sa sarili kong wika.

Ako po si Job Robinson Mallonga Wahiman. Opo, alam ko. Ang pangalan ko po’y nakakalito kung Israeli, Amerikano, Espanyol, o ewan ko ba. Ngunit, subalit, datapwat, ako ay Pilipino! Proud na proud maging isang Pinoy.

Kaya sa kagustuhang makapag bigay kontribusyon sa sariling atin, sisimulan ko ang rebolusyon–hindi libo libo, kundi isa isa. Opo, isang syano galing sa Butuan City na napadpad sa Cagayan De Oro na nakapunta nang Surigao, Davao, Iligan, Marawi, Tagum, GenSan, Cotabato, Saranggani, Cebu, Siquijor. Ay sana mapuntahan ko lahat. Ngunit ngayong lilipat na ako ng Manila, hindi ako aastang mayabang na probinsyanong napadpad sa Manila, kundi isang ordinaryong tao na sisikaping matutunan ang wikang…Tantanan… Tagalog.

Opo, ang iba sa inyoy sasabihing ‘tantanan mo nga kami sa Tagalog mo’ ngunit para sa akin, ito po ang rebolusyon–pagbabago.

Ang inyong mababasa dito ay mga simpleng bagay lamang ngunit kung gagawin ng karamihan ay magiging malaking rebolusyon… Importante na maisulat itong mga bagay na ito sapagkat nagsisimula ang lahat sa isa isa, bago libo libo.

Kaya’t kung ikaw ay para sa rebolusyon–magandang pagbabago, halika na! Isang libo’t isang tuwa, buong bansa, eat bulaga!

Ito ang rebolusyon!

Advertisements