Walang Tigil, Kasi Di Daw Nakamamatay

by jobrobinson

Nakakatuwa na ang mga taong ito ay disiplinado. Pag pula ang ilaw sa traffic light, titigil sila. Pag berde, saka pa sila magsisimulang maglakad. Pag nasa tren, hindi sila magsasalita ng malakas, o kundi hindi nalang talaga magsasalita.

Nasa tren ako ngayon habang sinusulat toh. Hindi sa MRT, kundi sa bayan ng Tokyo, Japan. Nakakatuwa sila. Pero teka lang! Hindi po silang lahat. Karamihan lang po. Ang iba po, alam nyo na! Yun na nga! Alam ka na nakin. Mga hindi makaantay sa berdeng ilaw, walang tigil. Aaminin ko po, sa simula, tumitigil talaga ako pag pula. Ngunit sa pagdaan ng panahon, yung maliliit na eskenita dito na meron pa ring traffic light, nagiging maliit na bagay din po sa akin gaya ng iba dito. Akalain mo ba naman, sampung hakbang lang, may traffic light pa sa pagitan. Kaso lang, naisip ko na integridad ang pinag-uusapan. Kaya yung resolusyon ko po, eh mag aantay talaga sa tamang ilaw at tumigil.

Babalik na po kami sa Pilipinas sa susunod na lingo. Naiisip ko po yung karamihan satin. Walang tigil din po, di lamang sa paglalakad kundi pati sa pagmamaneho. Opo, andami po satin sanay sa ‘beating the red light’ na diko po alam papano itagalog. Pasensya na, tao lang po na may magandang Tagalogait na asawa. Kaya ayun po, walang tigil, andaming nadidisgrasya. At hindi po tayo magpapakaipokrito. Halos lahat, kundiman lahat, po sa atin, ay may mga panahong sinasantabi ang ilaw sa traffic light.

Maliit po na bagay to. Ang iba po sa inyo kumukunot po yung noo ngayon kasi parang sa isip nyo, “ay tong mamang to kahit simpleng bagay ginagawang malaki.” Sa totoo lang po, kahit gano kaliit po yung di pagtawid sa sampung hakbang na daan kung di pa berde ang ilaw, dun po nasusukat kung gagawin din po natin yun sa sangdaan o sanglibong hakbang.

At dahil po hindi klaro sa karamihan satin ang pula at berdeng ilaw, nagkaroon po ng bagong kulay… PINK. Opo, hindi ilaw kundi mga paalalang nakapaskil sa daan sa pink na kulay ang mga salitang, “WALANG TAWIRAN. NAKAKAMATAY.”

Karamihan po sa atin, nagbubulag bulagan sa mga batas at gabay pantrapiko. Hindi naman po talaga tawiran ang nakamamatay. Sa totoo lang, “WALANG TINGINAN. NAKAMAMATAY.” Sa tuwing nagbubulag bulagan po tayo sa mga batas nakalatag sa atin, wari bang may parte sa ating unti-unting namamatay. Mga mahalagang asal na sa paglipas ng panahon ay hindi na mahalaga.

Kailangan po ng rebolusyon. Hindi po magsisimula sa sandaang hakbang kundi miski sa pakonti konting sampung hakbang. Pula pa po, tatawid ka ba?

Ito po ang rebolusyon. Ang sundin ang batas trapiko sa mga naglalakad at nagmamaneho… Kahit ang ibay hindi po ginagawa.

Ito ang rebolusyon.

Advertisements