Tion, Syon: Tulang Pang ‘Hoy! Gising!” Pagkatapos Ng Sendong

by jobrobinson

Naalala mo pa ba ang palabas na Hoy! Gising? Ako, tandang tanda ko pa mula Tandang Sora.

Isang malaking rebolusyon ang ginawa ng palabas na yon. Maraming ahensya sa gobyerno na tila’y nagtulug-tulugan ang nagising. Pati mga malalaking tae (big sh*ts o tycoon) ay nagising mula sa kanilang masarap na pamumuhay mula sa mga ilegal na gawain. Pagkatapos ng maraming taon, nakatulog din ang palabas. Ngunit, subalit, datapwa’t, nagising naman ang bagong Imbestigador ng bayan na nag-iingay tuwing Sabado ng gabi sa ating mga tahanan. Excuse me po! Kahit maingay, magandang may mga ganitong palabas tayo para mapukaw ang mga tiwali sa lipunan.

Ngayong umaga, may simpleng tula akong nabasa na tila’y nagsisigaw ng rebolusyon. Hindi ito sa telebisyon ngunit sa radyo. Napaikling tula tungkol sa Sendong at ang aksyon ng gobyerno ng Cagayan De Oro subalit ito’y pwedeng maging simula ng rebolusyon. Eto po… Para sa kapakanan ng ating mga Tagalog na kaibigan, may pagsasalin po sa [sic].

Miadtong [Noong] Christmas vacaTION
Nahitabo [Nangyari] ang devastaTION
Grabeng baha, destrucTION
What a terrible situaTION

Taliwala [Sa gitna ng] sa commoTION
Ang City Hall wala gyu’d acTION
Sige la’g mahjong, ambiSYON
Bisag lunod na’ng ConsolaCION

Milihok [Kumilos] ang opposiTION
To stop the mining operaTION
The city council stopped the moTION
Kay mabulabog ang commisSION

Busa [Kaya] recall gyud ang soluTION
To stop the lies and decepTION
Di ta undangan [Di natin titigilan] ang mass acTION
Aron [Para] si Dongkoy mag konsimiSYON!!!!!

Source: Radyo CDO

Ito po’y hindi para insultuhin ang mayor ng Cagayan De Oro na si Mayor ‘Dongkoy’ Emano. Pwede pong lumabas na ganyan, pero sana’y tingnan natin sa makabayang paraan upang magdulot ng pagbabago sa pamamalakad at pamamaraan. Kinaklaro lang po natin Ate Charo, na ang hangad na pagbabago sa paraan at pamamalakad ay hindi nangangahulugang walang ginagawa ang gobyerno. Ang paghangad po ng pagbabago ay ang pag papaalala na baka lang may pupwedeng pang gawin bukod sa mga ginagawa ngayon.

Sa Radyo CDO, saludo po ako sa nakakatawa ngunit ala ‘Hoy! Gising!’ na tulang ito.

Ito ang rebolusyon! Ang pagsulat ng miski maiikling tula para sa pagbabago.

*Sundan ang rebolusyon mula sa simula.*
Advertisements