Mapuntong Tagalog at Paninidigan

by jobrobinson

image

Kamusta kayo mga masugid kong mambabasa (kung meron man)? Eto pong bologo na to ay para ianunsyo ang pagbabalik ng rebolusyon na magsisimula sa mga simpleng bagay.

Mahigit dalawang taon na po ako sa Manila at hetot marami naring bagong mga natutunan sa buhay. May dalawa na kaming anak na lalaki at tinuturuan po namin silang magsalita sa mga wikang Ingles at Filipino. Hayaan niyo po akong ibahagi sa inyo ang dalawang bagay kung bakit naisip kong magbalik dito.

1. Mapuntong Tagalog
Nung sinimulan ko ang blog na ito, ang Tagalog ko ang pinaka ehemplo ng imperpekto– sa salita at sa pagsulat. Minsan naisip ko nung tumigil ako sa pagsulat, “antayin ko nalang na gumaling ako sa Tagalog.”

Ngunit, subalit, datapwat, naisip ko na kahit tumagal man hindi parin mawawala ang puntong bisaya.

Sa trabaho ko po, tinawagan ako kung pwede ba daw akong gumanap na isang ordinaryong miyembro na may puntong Bisaya pero Tagalog kung magsalita. Para po ito sa isang bidyu na kailangan naming ipalabas sa Setyembre. Kasama ko daw po ang isang sikat na artista sa eksena. Hindi ko maipagkakaila, sumikat na po ang punto ko. Marami napo akong pagkakamali kagaya ng cuk na dapat sana’y Coke. Ok pa naman po ako sa Pepsi. Hindi ko pa naman po naipagpapalit ang ‘e’ sa ‘i’ o Pipse. Totoo man, inayawan ko po ang pagsali sa eksenang yun. Dahil kahit my punto ako, hindi ko po kaya ang umarte sa harap ng kamera.

Pero totoo po, may puntong Bisaya ako. At ipinagmamalaki ko yan. (Pilit na ipinagmamalaki). Simpleng bagay lang po yan pero ang pagmamalaki si iyong tinubuan ay magsisimula ng rebolusyon.

2. Paninindigan
Marapat lang po na ako’y bumalik sa pagsusulat dahil lahat tayo may ipinaglalabang paninindigan. Sa mga taong hindi ako nagsulat, marami na rin po akong napansin at nabasa dito. Mga bagay na maayos ang paninindigan at mga bagay na dudugo ang iyong puso dahil ganito na ang henerasyon ngayon.

Nasabi ko na rin po, ang pagbabalik ko sa pagsulat ay para sa ating henerasyon at susunod. Para ako’y makadulot ng konting, kapiranggot na aral para sa ating mga kaibigang estudyante.

Nawa’y maging makabuluhan ang inyong panahon dito sa blog na ito. Mga simpleng bagay na pag iyong inisip, pwedeng magdulot ng magandang rebolusyon.

Mga kaibigan, ito ang rebolusyon!

Advertisements