Unang Halik ni Kathryn Bernardo

by jobrobinson

image

Hindi sila naghalikan kahit man lang sa huling araw ng serye! Nakakalungkot.

Iyan po ang pinaka reaksyon ng mga manonood nung nagtapos ang Got to Believe o G2B. Kung tutuusin, sa kwento ay nasa tamang edad na sila. Ngunit dahil sa tunay na buhay ay wala pa sa tamang edad si Kathryn ‘Chichay’ Bernardo, hindi naganap ang unang halik sa #G2Bbestendingever nung gabing iyon.

Tunay ngang nakakalungkot para sa mga manonood. Ngunit ang paninindigan na yon ni Kathryn ay isang simpleng bagay lang pero eto’y nagsimula ng rebolusyon.

Pupwede palang manatili ang kasikatan kahit hindi mo isuko ang iyong paninindigan.

Si Kathryn ay miyembro din ng simbahang Iglesia Ni Cristo na kung titingnan mo, sila’y mahigpit na nakabantay sa mga artistang nasa simbahan nila. At ang paghahalikan sa eksena ay bagay na dapat ipakiusap muna sa mga namamahala. Tamang tama sa sinabi sa Salita ng Diyos…

Walang sinumang dapat na humamak sa iyo dahil sa iyong kabataan subalit maging huwaran ka ng mga mananampalataya sa salita, sa pag-uugali, sa pag-ibig, sa espiritu, sa pananampalataya, sa kadalisayan. 1 Timoteo 4:12

Ang bagong henerasyon ay may bansag na PBBTeens kung saan ang pakikipag nobyo o nobya at pag astang mag asawa ay popular na konsepto kahit sa batang edad. Eto’y konsepto na parang pag-ibig lang ang punto ng buhay. Sana po tayong mga magulang at nakakatanda ay marapat na matulungan silang maintindihan na hindi lang po pag-iibigan ang buong punto ng buhay.

Ang simpleng bagay na pinanindigan ni Kathryn sa Got To Believe ay sana magsilbing ehemplo sa atin. At sana ay simula lamang to sa mga simpleng ipaglalaban ng sikat na batang aktres nato.

Ang pakikipaghalikan sa tamang panahon. Ito ang rebolusyon.

Advertisements